MILWAUKEE - Naghahanap ang Bucks ng puwersa para sa kanilang front court, at si vete-ran center Brook Lopez ang kanilang nakuha na pumayag sa isang one-year deal.
Nagtala ang ten-year veteran ng mga averages na 13 points at 4 rebounds sa 74 games para sa Los Angeles Lakers sa nakaraang season.
Ang 30-anyos na si Lopez ay may mga career averages na 17.9 points at 6.8 rebounds.
Pinili siya ng Brooklyn Nets bilang 10th pick noong 2008 NBA Draft kung saan niya ibinuhos ang siyam na seasons sa prangkisa na lumipat sa Brooklyn mula sa New Jersey.
Sa Detroit, pumayag si dating Golden State Warriors center Zaza Pachulia sa isang one-year deal para maglaro sa Pistons na nagkakahalaga ng $2.4 milyon.
Naglaro si Pachulia ng dalawang seasons sa Warriors at nagposte ng mga averages na 5.7 points at 5.3 rebounds.