^

PM Sports

Gilas, Australia basketbrawl ‘di palalampasin ng FIBA

Russell Cadayona - Pang-masa
Gilas, Australia basketbrawl ‘di palalampasin ng FIBA
Tinalon ni Jayson Castro ang isang Australyanong player kasabay ng pagsugod ng iba pang manlalaro ng Gilas at Australia sa kanilang laban noong Lunes ng gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Buong mundo ang nakasaksi sa rambulan ng Gilas Pilipinas at Australia sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Lunes sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kaya naman hindi ito palalampasin ng International Basketball Federation (FIBA).

Magsasagawa ng imbestigasyon ang FIBA kaugnay sa nangyaring gulo kung saan nanaig ang mga Boomers laban sa Nationals, 89-53 para solohin ang liderato sa Group B papasok sa second round.

“Following the incident that occured in the third quarter of the Philippines-Australia game on Monday in the FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers, FIBA will now open disciplinary proceedings against both teams. The decision(s) will be communicated in the coming days,” pahayag ng FIBA sa kanilang Twitter account.

Inaasahang magpapataw ng suspensyon ang FIBA sa mga players na nasangkot sa nasabing gulo.

Sa warm-up pa lamang ay sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na sinisiko na ni 6-foot-10 Daniel Michael Kickert ang ilang Pinoy cagers.

Matapos isalya ni RR Pogoy si Chris Goulding ay siniko naman ni Kickert ang Cebuano guard sa mukha na tuluyan nang nagpasimula ng rambulan sa huling 4:01 minuto ng third quarter kung saan hawak ng mga Aussies ang 31-point lead, 79-48.

Matapos humupa ang tensyon ay napatalsik sa laro sina Pogoy, naturalized player Andray Blatche, Carl Bryan Cruz, Calvin Abueva, Jayson Castro, Terrence Romeo, Japeth Aguilar, Troy Rosario at Matthew

Wright sa panig ng Gilas Pilipinas, habang nasibak naman sina Kickert, James Goulding, Nathay Sobey at Thon Maker ng Australia.

Natira lamang sa laro sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer.

Hihintayin ng Gilas Pilipinas at Australia ang magiging desisyon ng FIBA habang naghahanda para sa second round laban sa Iran, Kazakhstan at Qatar.

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with