MANILA, Philippines — Bukod sa MP Promotions, kumpiyansa din si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions na magaganap ang salpukan nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Argentinian world welterweight king Lucas Matthysse.
Ito ay sa kabila ng hinihintay na kakula-ngang $2 milyon ng MP Promotions ni Pacquiao na ilalagay sana sa isang escrow account.
“We have a fight. I feel very, very confident the fight is going to happen, let’s put it that way,” wika ni De La Hoya sa pana-yam ng BoxingScene.com. “I can’t give you specific details of our deal but I feel very, very confident it’s going to happen.”
Ilang ulit nang napapabalitang makakansela ang championship fight nina Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) at Matthysse (39-4-0, 36 KOs) dahil sa financial problems ng MP Promotions.
Ito ang kauna-unahang boxing promotions ng grupo ni Pacquiao matapos ang pagwawakas ng kanyang promotional contract kay Bob Arum ng Top Rank Promotions nooong Hulyo ng 2017 kung saan siya natalo kay Jeff Horn.
Itinakda ang laban ng 39-anyos na si Pacquiao at ng 35-anyos na si Matthysse sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Plano ni Arum na itapat si World Boxing Organization welterweight ruler Terence Crawford (33-0-0, 24 KOs) kay Matthysse kung makakansela ang laban ng Argentinian kay Pacquiao.
“I read comments on Bob Arum taking about Lucas Matthysse, look. We have a fight with Pacquiao coming up within three weeks,” ani De La Hoya kay Matthysse. “He’s looking strong, he’s looking great, looking forward to it and fight is full steam ahead.”
Ang Top Rank ni Arum ang hahawak sa pagsasaere ng laban nina Pacquiao at Matthysse sa United States.
Sinabi pa ni De La Hoya na pupunta siya sa Malaysia para tulungan si Pacquiao sa promosyon ng laban nito kay Matthysse.
“I might be there for about ten days, I want to go out there and help Manny promote and do my rounds in Malaysia. I have my plane tickets already. So we’re set to go, we have a fight,” wika ni De La Hoya.