CLEVELAND - Posibleng ang Cavaliers ang makakuha kay Kawhi Leonard at hindi ang Los Angeles Lakers.
Ito ay sa kabila ng determinasyon ng San Antonio Spurs na mapanatili ang star forward at hindi maibigay sa isang Western Conference team.
Ngunit ang ibang Eastern Conference teams ay mas maraming opsyon sa trading kumpara sa Cleveland.
Isa dito ay ang Philadelphia 76ers, ayon sa isang report.
“They (Cavs) might have a better shot than anyone in the West, but they’d be hard-pressed to compete with the kind of packages that teams like Boston and Philadelphia could put forth,” report ni Sam Amick sa USA Today.
Gusto pa rin ng Spurs na maplantsa ang anumang gusot sa kanila ni Leonard bagama’t nagtanong na ang Cavaliers tungkol sa estado ng star forward.
Sinabi naman ni Sixers coach Brett Brown na sila ay “star hunting” at ang isang draft-day trade na nagdala sa kanilang pick na si Mikal Bridges sa Phoenix Suns o si Zhaire Smith at isang 2021 first-round pick ang nagpalakas sa kanilang hangad na trade.
Wala pa ring katiyakan ang Cleveland kung patuloy na maglalaro sa kanila si LeBron James.
Si Leonard ay nagkaroon ng isang right quadriceps injury.
Ikinainis ng 26-anyos na forward ang pahayag ni guard Tony Parker na ang kanyang quad injury ay “100 times worse” kumpara kay Leonard.
Si Leonard ay maaaring tumanggap sa Spurs ng five-year $219 million extension sa Hulyo 1.