^

PM Sports

Lifesavers nakaisa agad sa PSL Invitational Conf.

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nahirapan man ay nag­­wagi pa rin ang Ge­ne­rika-Ayala kontra sa Uni­­versity of the Philip­pines-United Auctio­neers  via four-sets win, 25-23, 25-9, 23-25, 25-16, sa pag­bubukas ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invita­tional Conference kaha­pon sa Smart Araneta Co­liseum.

Matapos kunin ang 2-0 abante ay na­bigo ang Lifesavers sa Lady Maroons sa third set.

Ngunit bumawi sina An­geli Araneta, Marivic Meneses, Ross Hingpit, Shiela Pineda, Mikaela Lo­pez at Jane Orendain sa fourth set para sa ma­gandang umpisa sa ka­nilang kampanya.

Inunahan kaagad ng Generika-Ayala ang UP-UAI sa 5-1 at lumobo sa 12-5 mula sa service ace ni Meneses sa fourth set. 

Mula sa magkasunod na block ni Lopez at ata­ke ni Orendain ay tuluyan nang nasungkit ng Lifesavers ang panalo sa laban sa Lady Maroons. 

Umiskor si Orendain ng 18 puntos kabilang na ang 16 atake at dalawang blocks para sa panalo sa tropa ni head coach Sherwin Meneses.

“Maski kulang pa ka­mi ng dalawa dahil wala pa sila ngayon, nag-adjust ka­mi para manalo. Im­­por­tante kasi ang unang panalo. Malaki pa ta­laga ang dapat naming ma-improve lalo na sa de­pensa, blocking at service kaya mag-eensayo ka­mi nang hus­to,” ani Orendain.

Samantala, ipinakilala naman ang Phi­lippine na­tional wo­men’s volley­ball team sa opening ce­re­­monies.

Sasabak ang tropa sa 2018 Asian Games sa Pa­lembang at Jakarta, Indonesia.

LIFESAVERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with