Pang-24th na ni Torre sa chess Olympiad

MANILA, Philippines — Ipinasok ng National Chess Federation of the Philippines kahapon sina veterans Grandmasters Eugene Torre, Julio Catalino Sadorra and greenhorn FIDE Master Mari Joseph Turqueza sa Phl men’s team na lalahok sa 43rd World Chess Olympiad sa Sept. 2-Oct. 6 sa Batumi, Georgia.
Sinabi rin nina NCFP president at chairman Butch Pichay na seeded na rin si Woman GM Janelle Mae Frayna, WIMs Jan Jodilyn Fronda at Bernadette Galas para samahan sina Shania Mae Mendoza, Cathe-rine Secopito and Marie Antoinette San Diego sa women’s squad.
Ngunit kailangang maglaglag ang NCFP ng isang player sa team na kinabibilangan din nina International Masters Haridas Pascua at Jan Emmanuel Garcia pagkatapos ng training camp o ilang linggo bago lumipad sa Batumi dahil hanggang limang player lang bawat bansa ang pinahihintulutan sa biennial event.
Ang 66-gulang na si Torre ang babandera sa Batumi-bound group sa kanyang record na pang-24th appearance bilang player habang ang mga United States-based na sina Sadorra at Gomez ay lumalaro sa top two boards sa mga nakaraang Olympiad editions.
Si, Torre, ang individual bronze medal sa board three sa Baku, Azerbaijan dalawang taon na ang nakakaraan, ay tatayo ring coach at trainer ng koponan.
Ang 25-gulang na si Turqueza ay tumapos naman sa three-way tie para sa unang puwesto kasama sina Pascua at Garcia sa Olympiad qualifying tournament noong nakaraang linggo lamang upang makasama sa national pool.
- Latest