MANILA, Philippines – Hangad ng baguhang Makati na makapagbigay ng magandang performance kontra sa malalakas na tropa sa kanilang unang pagsabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Binubuo ang Skyscrapers ng mga bagitong mga manlalaro kasama ang ilang beteranong magsisilbing gabay ng buong koponan.
“Our team is so young. ‘Yun ang advantage namin, ‘yung quickness, ‘yung youth. We want to be a run and gun team so important and conditioning. We have prepared bout six weeks,” dagdag ni Villanueva na dating De La Salle University player at minsan nang ginawaran ng finals MVP.
Ilan sa mga aasahan ng Skyscrapers sina Philip Paniamogan, Mark Isip, Rudy Lingganay at James Mangahas kasama ang ilang standouts mula sa Makati gaya nina Max Samonte, Carlo Loren, Carlos Morales at Roy Cayanan.
Tatawaging Skyscrapers ang tropa bilang kinatawan ng nagtataasang gusali sa Makati.
At nais ni head coach Cholo Villa-nueva na ganito rin kataas ang kanilang pamantayan sa oras na sumalang ang kanilang baguhang grupo sa liga.
“Our main goal is to win the championship. We are representing Makati and we want to be number one. We joined the MPBL to win the championship. We’ll take it one game at a time,” wika ni Villanueva sa launching ng team noong Biyernes sa Dasmariñas Village Pavillion sa Makati City.
Tinukoy nito ang last season finalists Batangas at Muntinlupa sa mga matitinik na karibal sa edisyong ito ng MPBL gayundin ang Bataan, Manila at San Juan.
“These are the top five teams to beat this season. We’re a very defensive-minded team. Same system when I was playing. I believe na offense wins games and defense wins championships. We’re using the whole floor to give other teams a hard time playing offense against use,” dagdag ni Villanueva.
Makakasama ni Villanueva sa Skyscrapers sina team owners Paolo Orbeta at Paolo Pineda, at team manager Martine Arenas.