Mukhang jinx ang pangunguna sa Rookie of the Year race sa 2017-18 PBA season.
Dahil sa mga hindi inaaasahang pangyayari, si Jason Perkins ng Phoenix Fuel Masters ang big-lang naiwan na leading contender sa ROY derby.
Automatic na scratch sa candidates list si No. 1 pick Christian Standhardinger dahil hindi niya nalaruan ang Philippine Cup.
Gold to bust naman ang naging kapalaran ni No. 2 pick Kiefer Ravena dahil sa 18-month suspension na natamo mula sa FIBA sa kanyang doping test failure.
At sumunod na nagdelikado ang tsansa ni Jeron Teng dahil baka out na siya sa kanilang Commissioner’s Cup campaign dahil sa mga saksak na natamo sa kanyang kinasangkutang rambulan sa BGC, Taguig.
Malakas ang simula ni Raymar Jose sa kanyang rookie year pero biglang nawala sa core rotation ng Blackwater team.
Kahit na sa ilalim ng pamumuno ni coach Bong Ramos, nanatiling maga ang pwet ni Jose sa bangko. Naga-average lang siya ng 6:53 mi-nutes per game.
Kaya naman malayo ang agwat ni Perkins, lalo na sa iba pang kalaban na sina Robbie Herndon, Rey Nambatac, Sydney Onwubere, Julian Sargent, Davon Potts at iba pa.
Sa kasalukuyang conference, humuhugot si Perkins ng 10.8 points, 6.2 rebounds and .67 assists sa average na 19:72 minutes per outing.
***
Nakaarangkada na uli ang San Miguel Beer at kitang-kita ang magandang prospect ng kanilang kampanya sa lakas ng kanilang core group na lalong lumakas dahil sa kanilang import na si Renaldo Balkman.
Nasa gitna na sila ng team standings, at inaasahang patuloy pang umangat. Mukha lang mahirap na silang umabot sa labanan sa Top Two matapos mapagtatalo sa kanilang unang tatlong laro.
Huling limang laro ng San Miguel ang GlobalPort, TNT KaTropa, NLEX, Blackwater at Magnolia.