Coach Derrick Pumaren makikilatisan ngayon

MANILA, Philippines — Makikilatis muli ang galing ng batikang mentor na si Derrick Puma-ren sa kanyang coaching debut kasama ang Centro Escolar University sa unang laban ng koponan kontra sa Che’Lu Bar and Grill ngayon sa ikalawang playdate ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsisilbing general manager (GM) ng CEU, tatayo ngayong acting coach si Pumaren ng Scorpions sa kanilang sagupaan kontra sa Aspirants’ Cup runner up na Revellers sa alauna ng hapon.

Nagbitiw noong nakaraang Biyernes lang ang dating Scorpions coach na si Yong Garcia bago pa man ang simula ng Foundation Cup na siyang nagbigay-daan sa pagbabalik aksyon ni Pumaren pansamantala.

“I am still the GM. Actually, acting coach lang ako until we find replacement for coach Yong,” anang dating University of the East mentor na si Pumaren sa isang panayam sa PM.

Hindi naman magiging madali ang mis-yon ni Pumaren na magabayan sa unang panalo ang CEU lalo’t wala na sa kanilang tabi ang super import na si Rod Ebondo.

Sa kabutihang palad, may sasandalan siyang Cameroonian na si Gilles Oloume kasama sina Orlan Wamar at Rich Guinitiran upang trangkuhan ang misyon ng Scorpions na makabalik sa semis na bigo nilang narating noong Aspirants’ Cup sa unang pagkakataon simula noong 2014.

Hindi naman basta-basta padadaig ang kanilang katapat na Revellers na hangad makabawi ngayong Foundation Cup matapos kapusin sa Aspirants’ Cup Finals kontra sa kampeon na Zarks’ Burger-Lyceum of the Philippines University.

Gigiyahan ng nagba-balik na si Jeff Viernes ang atake ng Che’Lu kasama sina Chris Bitoon at dating manlalaro ng University of Sto. Tomas na si Jordan Sta. Ana.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-3 ng hapon, tangka naman ng pinalakas na Go For Gold ang ikalawang sunod na tagumpay kontra sa AMA Online Education para sa solo lead ng Aspirants’ Cup.

Kagagaling lamang sa 88-75 panalo kontra sa Batangas-Emilio Agui-naldo College noong Lunes, muling pangu-ngunahan ni James Martinez kasama ang mga UAAP stars na sina Ron Dennison ng Far Eastern University at Paul Desi-derio ng University of the Philippines ang atake ng Scratchers.

Mithiin namang makabawi ng Titans mula sa  83-95 na kabiguan kontra sa Marinerong Pilipino sa opening day sa pangunguna ng top overall pick na si Owen Graham na nagtala ng 11 puntos at 13 rebounds sa kanyang PBA D-League debut.

Show comments