‘Di na naabutan ang apo tatay ni Ellen inatake, patay!

Ellen Adarna

MANILA, Philippines — Hindi na inabutan ng ama ni Ellen Adarna na si G. Alan Modesto Adarna ang magiging unang apo nito sa anak na si Ellen at nobyong si John Lloyd Cruz matapos itong mamaalam nung umaga ng June 3 dahil sa cardiac arrest.

Ang mga labi ng ama ni Ellen ay nakalagak ngayon sa Cosmopolitan Memorial Chapels in Mandaue, Cebu.

Ang pamilya ni Ellen ay nagma-may-ari ng chain of motels in Manila, Cebu and Davao, ang Queensland.

Malapit na ring isilang ni Ellen ang magiging unang supling nila ni John Lloyd Cruz.

Isang kapehan nagdamot sa tubig

Sayang at hindi pinangalanan sa 35-year-old lifestyle magazine TV host-producer, blogger and entrepreneur na si Daphne Osena-Paez kung saang coffee shop nag-order ng coffee (for her) and a  cupcake (for her daughter) kung saan siya tinanggihan na bigyan ng service water dahil kinakailangan daw bumili siya  ng bottled water sa nasabing coffee shop.

Dapat pangalanan ni Daphne ang coffee shop nang ito’y malaman ng publiko.

Since when ipinagdamot ng isang coffee shop, restaurant o kahit sa isang turo-turo ang service water? Prerogative ng isang customer na mamili ng kanyang iinumin at ang cold water ay automatic na unang isinisilbi bago pa man makapag-order ang isang customer.

Dating sexy star na si Sarsi, masaya sa piling ng mister na jeepney driver

Nasaan na kaya ngayon ang dating dancer-turned sexy star nung dekada otsenta na si Sarsi Emmanuelle, isa sa mga tinaguriang `softdrink beauties’ na alaga dati ng controversial talent manager, ang yumaong  si Dr. Rey de la Cruz. Kapanabayan noon ni Sarsi sina Coca Nicolas at ang yumaong si Pepsi Paloma.

Si Sarsi ay nagmula sa isang magandang pamilya at nakapag-aral sa isang catholic school pero naapektuhan siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Na-discover si Sarsi ni Dr. Rey de la Cruz na optometrist ng kanyang ina.

Jennifer Obregon Mitchell sa tunay na buhay, si Sarsi ay sumikat nang husto bilang bold star na marunong umarte nung dekada otsenta.  Nakatrabaho noon ni Sarsi ang mga de kalibreng director tulad ni Lino Brocka.

Ang buhay ni Sarsi ay isinadula ng long-running and award-winning drama anthology na Maalaala Mo Kaya in 2003 at ang sexy actress na si Aubrey Miles ang gumanap sa kanyang papel na dinirek ni Malu Sevilla.

Si Sarsi ay may apat na anak sa dating nakarelasyon at isa naman sa kanyang present husband, ang jeepney operator na si Francis Papillero, isang widower na may apat na anak sa yumao niyang misis.  Ang dalawa ay ikinasal sa civil wedding rites eleven years ago pero lately lamang sila nagpakasal sa simbahan nung Febuary 28, 2018.  Ang couple ay may 8-year-old daughter. Hindi ikinakaila ni Sarsi na ang church wedding nila ng kanyang husband na si Francis ang pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay.

Charlene doble pa rin ang pagluluksa

Magkasunod na namaalam ang father-in-law ng dating beauty queen-actress-TV host na si Charlene Gonzales na si Cheng Muhlach, ama ng kanyang mister na si Aga Muhlach at ang kanyang stepdad at kinagisnang ama na si Pepito Vera-Perez na kamakailan lamang sumakabilang buhay dahil sa sakit sa puso.  Ang biological father ni Charlene ay ang yumaong actor na si Bernard Bonnin at nakababatang kapatid ni Charlene ang dating actor na si Richard Bonnin. Step-brother naman ni Charlene ang ex-husband ni Regine Tolentino na si Lander Vera-Perez.

Maganda ang alaala ni Charlene sa kanyang stepdad who treated her and her brother na si Richard just like his own.

Si Pepito ay isa sa mga anak ng Sampaguita Pictures producer na si Dr. Jose Perez at Gng. Azucena Vera-Perez. Pangalawa siya mula sa panganay na si Manay Ichu (Maria Azucena).  Pangatlo si Manay Gina Vera-Perez de Venecia (Georgina), Bobby, Lilibeth Nakpil, Chona Ampil at si Kokoy (Jose Gregorio).        (

Show comments