MANILA, Philippines — Walang areglo!
Ito ang mariing paha-yag ng kampo nina Jeron Teng, Norbert Torres at Thomas Torres dahil desidido ang mga pamilya nila na ituloy ang kaso at panagutin sa batas ang tatlong suspek na nanaksak sa tatlong mahusay na manlalaro.
“Mga bata lang sila eh. Ang sumaksak sa kanila, may edad na. Kakasuhan talaga namin,” wika ni Je-ric Teng – ang nakatatandang kapatid ni Jeron.
Naniniwala si Jeric na napagtripan sina Jeron, Norbert at Thomas ng suspek na sina Edmar Manalo (40-anyos), Joseph Varona (33-anyos) at Williard Basili (38-anyos).
“Pabalik na lang sila ng kotse, they were just having fun, napagtripan pa,” wika pa ni Jeric.
Tiniyak naman ni Jeric na nasa maayos na kundisyon na ang tatlong manlalaro matapos ang insidente. Wala aniyang malaking pinsalang tinamo si Jeron sa katawan maliban sa malalalim na sugat.
Kasalukuyan nang nagpapagaling sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City sina Jeron at Thomas habang bahagya lamang nasaktan si Norbert na agad namang inilabas sa ospital.
“He was very lucky kasi puwedeng matamaan yung vital organs pero wala namang tinamaan. He’s recovering na. He was stitched up pero may mga dugo pa bago ako umalis. Kailangan pa rin siyang bantayan at ma-examine,” ani Jeric.
Ayon sa ulat ng pulis-ya, naganap ang insidente Linggo ng madaling araw sa labas ng Early Night Bar sa Bonifacio Global City.
Kabi-kabila na ang mensahe para sa mabilis na recovery nina Jeron, Norbert at Thomas.
Naglalaro si Jeron para sa Alaska habang nasa Rain or Shine naman si Norbert.
Nakatakdang maglaro si Thomas sa Maharlika Pilipinas Basketball League para sa Mandaluyong El Tigre.
Magkakatropa sina Jeron, Norbert at Tho-mas noong naglalaro pa ang mga ito para sa De La Salle University sa UAAP.