NLEX binuhay ang tsansa

Iniwanan ni NLEX import Arnett Moultrie si PJ Erram ng Blackwater.

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakaroon ng injury ni Kevin Alas at 18-month suspension ng FIBA kay Kiefer Ravena ay halos lahat ng player ay pipigain ni coach Yeng Guiao.

“We’re trying to get something out of anybo­dy. Pinipiga namin ‘yung iba pati ‘yung ibang hindi rin nakakalaro dati,” sabi ni Guiao matapos ang 93-89 panalo ng NLEX laban sa Blackwater sa 2018 PBA Commissio­ner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabangon ang Road Warriors mula sa 10-point deficit sa third pe­riod para ilista ang ka­nilang ikalawang panalo sa anim na laro at buha­yin ang tsansa sa isa sa wa­long tiket sa quarterfi­nals.

Humakot si import Ar­nett Moultrie ng 26 points, 15 rebounds at 5 assists, habang nagdagdag sina Juami Tiongson at Alex Mallari ng tig-10 markers.

Nalasap naman ng Elite ang kanilang pang-pi­tong sunod na kabigu­an.

Kinuha ng Blackwater ang 77-67 abante ga­ling sa tirada ni PJ Erram sa 10:20 minuto ng third bago naglunsad ng 13-0 atake ang NLEX para iposte ang 90-86 bentahe sa huling 1:25 minuto ng fourth period buhat sa 77-86 pagkakaiwan.

Ang split ni Allein Maliksi at dalawang free throws ni Mike DiGregorio ang naglapit sa Blackwater sa 89-90 agwat sa hu­ling 40.5 segundo ng fi­­nal canto.

NLEX 93 - Moultrie 26, Tiongson 10, Mallari 10, Fonacier 9, Rios 8, Monfort 5, Baguio 5, Marcelo 5, Soyud 5, Ighalo 5, Quiñahan 3, Miranda 2.

Blackwater 89 - DiGregorio 25, Maliksi 16, Erram 14, Walker 12, Cortez 4, Belo 4, Al-Hussaini 4, Sumang 3, Palma 3, Zamar 2, Jose 2, Pinto 0.

Quarterscores: 26-18; 42-40; 67-71; 93-89.

Show comments