Ravena ‘di makikita sa mga laro ng NLEX sa PBA

Si Gilas Pilipinas at NLEX rookie sensation Kiefer Ravena.

MANILA, Philippines — Bagama’t wala pang pormal na desisyon ang PBA ay ang NLEX na ang gumawa ng hakbang pa­ra kay rookie sensation Kiefer Ravena.

Sinabi ni coach Yeng Guiao na hindi niya pag­lalaruin si Ravena sa pag­harap ng Road Warriors laban sa Blackwater Elite ngayong alas-4:30 ng hapon sa pagbabalik ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Ara­neta Coliseum.

“As young as Kiefer Ra­vena is, he is a team leader and his teammates accept him as such,” wi­ka ni Guiao sa isang statement. “Gusto kong ma­laman ng public that we are standing by him. He’s a good kid.”

Kamakalawa ay iniha­yag ng Samahang Bas­ket­bol ng Pilipinas ang ipinataw na 18-month sus­pension ng FIBA, ang in­ternational basketball federation, sa 24-anyos na rookie guard bilang mi­yembro ng Gilas Pilipinas.

Ito ay dahil sa nakitang banned substance sa kanyang urine test matapos ang isinagawang ran­dom drug test noong Mayo 22.

Sa sulat ng FIBA kay SBP president Al Panlilio ay dapat nagsimula ang suspensyon kay Rave­na noong Pebrero 25 at ma­tatapos sa Agosto 24 ng 2019.

Inamin ni Ravena na bago ang 89-84 panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Japan noong Pebrero 25 para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena sa Pa­say City ay uminom si­ya ng workout drink na ‘Dust’.

Ang energy drink, ayon sa WADA (World An­ti-Doping Agency) ay may mga banned subs­tance na Dimethylbutyla­mine, Methylexaneamine at Higenamine.

Sa kanyang urine Sam­ple A ay positibo si Ravena sa pagkakaro­on ng naturang tatlong banned substances at ma­ging sa urine Sample B.

“It’s very difficult to make actions right away and act on instinct,” ani Ra­vena.

“Kiefer has passed mul­tiple drug tests conducted by the PBA since the time he joined the league, and has also passed previous tests con­ducted by the SBP and GAB. It was an ho­nest mistake. We believe this does not reflect Kie­fer’s character in any way,” pagtatanggol ng NLEX sa dating kamador ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Samantala, maghaha­rap naman ang nagdedepensang San Miguel at Phoenix sa alas-7 ng gabi.

Magpipilit ang Beermen na maitala ang una nilang panalo matapos ang tatlong sunod na ka­malasan sa kabila ng pag­paparada kay import Re­naldo Balkman bilang kapalit ni Troy Gillenwater.

Show comments