Matibay na samahan ang susi sa panalo nina Rondina at Pons

Ang mga reynang sina Bernadeth Pons at Sisi Rondina sa awarding ceremony.

MANILA, Philippines — Hindi matinag ang tam­balan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng Petron.

Nakamit nina Ron­di­na at Pons ang ika­la­­wang sunod nilang kampeonato sa Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge ma­­tapos pataubin sina Jackie Estoquia at DM Demontano ng Sta. Lucia Realty sa bendisyon ng 21-8, 21-11 demolis­yon sa championship round para matagumpay na maipagtanggol ang ka­nilang titulo.

At ang magandang sa­mahan ang naging matibay na pundasyon nina Rondina at Pons para ma­tamis na makuha ang inaasam na tagumpay.

“Sa umpisa talaga med­yo nahirapan kami da­hil hindi kami kaagad nakapag-training na mag­kasama kami dahil sa UAAP. So after pa ng UAAP saka kami na­kapag-training talaga,” wika ni Rondina na mi­yembro ng University of Santo Tomas indoor volleyball team.

Hindi umabot sa Final Four ang Tigresses, habang nakapasok sa fi­nals ang Far Eastern Uni­versity na siyang tro­pa ni Pons.

Kaya’t kinailangan pang maghintay ni Rondina na matapos ang UA­AP para makasama si Pons sa training.

“Malalakas ang mga teams ngayon. Very com­petitive talaga sila. Pero I’m happy na nagbalik ‘yung laro namin ni Pons. Kabisado na namin ang isa’t isa ka­ya mas naging madali pa­ra sa amin,” dagdag ni Rondina.

Iisa ang galaw nina Rondina at Pons na may iisang target – ang mu­ling makuha ang kampeonato.

“Gusto lang talaga na­ming manalo, ma-defend ang crown namin. Iyong desire sa bawat isa nandun talaga kaya ma­ganda ang kinalaba­san ng laro naming pa­reho,” ani Pons.

Kaya naman laking pasasalamat ng dalawa nang muling makuha ang kampeonato at uma­asang maipagpapa­tuloy nina Rondina at Pons ang dominasyon sa susunod na edisyon ng torneo.

“We’re glad to survive another tough tourney. I want to say thank you to (Pons). At least our connection is still there,” ani Rondina.

Show comments