^

PM Sports

Mga bagong records sa PBA All-Stars naitayo

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Mga bagong records sa PBA All-Stars naitayo
Nagdiwang ang Visayas All-Stars matapos talunin ang Philippine team sa PBA All-Star Game. (PBA Images)

MANILA, Philippines — Burado ang mga da­ting rekords sa PBA All-Star matapos ang makasaysayang 2018 edition na ginanap sa tatlong mag­kakaibang siyudad.

Itinala ni Terrence Ro­meo ng TNT Katropa ang bagong scoring record sa All-Star na 48 puntos nang pangunahan ang Smart All-Stars sa dikit na 152-149 pa­nalo kontra sa Luzon All-Stars noong Biyer­nes sa Batangas City.

Nalagpasan niya ang mga dating record nina Dylan Ababou at James Yap na pawang nagtala ng 44 puntos sa laban ng Rookies-Sophomores-Juniors kontra sa Vete­rans noong 2012 sa Laoag City, Ilocos Norte.

Dalawang araw ang nakalipas ay sumali naman sa record-breaking party si Calvin Abueva ng Alaska nang magta­la ng halimaw na 41 puntos at 27 rebounds sa 141-157 kabiguan ng Smart Gilas sa Visayas All-Stars sa Iloilo City.

Ang 27 boards ni Abu­eva ang pinakama­raming rebounds na na­hakot ng sinumang man­lalaro sa 29-taong ka­saysayan ng All Star. Ito rin ang kauna-una­hang 40-20 game sa PBA All-Star.

Hindi naman nagpahuli ang iba pang malupit na guards na sina Jio Jalalon ng Magnolia at Jericho Cruz ng TNT na nagtala ng pambihirang triple-doubles.

Noong Biyernes sa Ba­tangas City ay ku­mo­lekta ng triple-double na 12 puntos, 11 rebounds at 10 assists si Jalalon bago sundan ni Cruz ng 20 puntos, 14 rebounds at 11 assists noong Linggo sa Iloilo City.

Bunsod nito ay ta­nging sila pa lamang ang ikalawa at ikatlong pla­yer na nakapagrehis­tro ng triple-double kasunod ni Willie Miller (14 points, 12 rebounds, 10 assists) noong 2007 All-Star Game sa Baguio City.

“Itong All-Star naman, para talaga ito sa mga fans. Ang importante sa atin ay napapa­saya natin ‘yung mga kababayan natin na min­san lang natin napupuntahan,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Sa mga side events na­man ng All-Star ay may mga bagong kasaysayan ding naukit.

Si Beau Belga ng Rain or Shine ang unang big man na nagkampeon sa Obstacle Skills Challenge matapos daigin si­na JP Erram ng Blackwater at Gabby Espinas ng San Miguel.

Sa three-point shootout naman ay si Yap ng Elasto Painters ang pi­nakamatandang nag-kampeon.

Huling nanalo noon pang 2009, nagtala ng 24 puntos sa final round ang 36-anyos na si Yap upang daigin ang mga mas batang karibal na si­­na Romeo at Stanley Pringle ng Globalport.

Nilipad naman ni Rey Guevarra ng Phoenix ang kanyang ikaapat na slam dunk title upang bumuntot kay Niño Canaleta ng Meralco na  may limang kampeonato na siyang pinakamarami pa rin sa kasaysayan.

Tinalo ni Guevarra sa finals si Renz Palma.

vuukle comment

PBA ALL-STAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with