^

PM Sports

Biado-De Luna tandem pasok sa second round ng World Cup

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umusad ang tambalan nina Carlo Biado at Jeffrey De Luna sa second round ng prestihiyosong 2018 World Cup of Pool na ginaganap sa Luwan Arena sa Shanghai, China.

Naitala ng No. 4 Pinoy duo ang impresibong 7-3 panalo laban kina Matt Edwards at Marco Teutscher ng New Zealand sa opening round kaha­pon para magarbong simulan ang kanilang kam­panya sa nasabing torneo.

Kaagad na inilabas ng reigning World 9-Ball champion na si Biado ang kanyang husay kasabay ng malulupit na breaks ni De Luna para kunin ang 5-1 bentahe sa laro.

Ito ang naging matikas na pundasyon nina Bia­do at De Luna para masiguro ang kanilang tiket sa second round ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association at naglaan ng $250,000 kabuuang papremyo kabilang ang $60,000 para sa kampeon at $30,000 naman sa runner-up.

Titipanin nina Biado at De Luna sa susunod na yugto ang mananaig sa bakbakan nina Imran Majid at Mark Gray ng England at Ryu Seung Woo at Jeong Young-Hwa ng South Korea.

Mainit ding sinimulan nina top picks at defen­ding champions Mario He at Albin Ouschan ng Aus­tria ang kanilang kampanya matapos igupo si­na Alejandro Carvajal at Enrique Rojas ng Chile, 7-3, gayundin sina Ralf Souquet at Joshua Filler ng Germany na blinangko sina Arun Arun at Feri Sa­triyadi ng Indonesia, 7-0.

2018 WORLD CUP OF POOL

CARLO BIADO

JEFFREY DE LUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with