Paraiso lumipat sa UST Tigers

MANILA, Philippines — Mula sa De La Salle University ay lumipat si guard Brent Paraiso sa Uni­versity of Santo Tomas para makasama si coach Aldin Ayo.

Nauna nang nag­laro si Paraiso para sa Growling Tigers sa Uni­versities and Colleges Basketball League (UCBL) Summer Tournament kung saan siya hu­mataw ng 17 points sa kanilang 87-93 kabiguan sa Jose Rizal University Heavy Bombers.

Inihayag ni Paraiso sa social media ang kanyang paglipat sa UST ma­tapos ang 15 taon sa La Salle.

“After 15 loyal years of being in Green & White, our ultimate coach prepared a sudden master game plan -HE healed my heart to leave the pain behind and move forward. God is leading me to España from where I will pick myself up & stand proud. From here on out, I am ready to ROAR!”

Bago maglaro para sa Tigers ni Ayo ay kailangan muna ni Paraiso na maupo ng isang taon.

Show comments