Alamat na si Stalzer sa Philippine Superliga

Ang PSL Grand Prix champions na Petron Blaze Spikers.

MANILA, Philippines — Ang Amerikanong si Lindsay Marie Stalzer ng Petron Blaze Spikers ang may pinakamahabang serbisyo sa Pilipinas bilang import ng Philippine Superliga Grand Prix.

Sa loob ng limang taon, siya rin ang may pinakamaraming titulo sa kanyang tatlo kabilang na ang dalawa sa Foton noong 2015 at 2016 PSL Grand Prix at sa katatapos lamang na 2018 edisyon.    

“Tonight I don’t feel like I deserved it for the game tonight, my teammates deserve the MVP but it’s such an honor I’m so just like saying thanks to my teammates,” sabi ni Stalzer ang team captain ng Petron.

Bukod sa tatlong titulo, ang 33-anyos na taga-Peoria, Illinois, USA ay mayroon ding dalawang Most Valuable Player (MVP) awards, ang una ay noong 2015 at ang ikalawa ay sa 2018 Grand Prix.

“Of course it feels amazing. Last season  we were left a little bitter taste in my mouth but it’s so awesome when you set a goal and you work towards that goal every single day and finally it pays off,” sabi ni Stalzer pagkatapos ng kanilang 25-19, 25-20, 22-25, 25-18 panalo kontra sa F2 Logistics para sa ikalawang Grand Prix title ng Petron, ang una ay noong 2014.

“I think, I’m the only import that played here for five seasons,” dagdag ng 6’1 open hitter ng Blaze Spikers.

Ang kanyang ikalawang MVP plum ay ikinatuwa naman ni Kathe-rine Bell, ang pumalit kay Hillary Hurley dahil sa injury.

“I’m not gonna let her say that because you know she does a lot for this team. She has a lot to manage, you know, me coming in (she was) making sure I knew everyone and making sure I’m aware of everything and how things are running,” pahayag ni Bell.

Unang naglaro si Stalzer sa Cignal HD Spikers noong 2014 kung saan tinanghal siya bilang 1st Best Outside Spiker kahit tumapos lamang sila sa pang-apat na puwesto sa likuran ng nagkampeong Petron.

Show comments