^

PM Sports

‘Di kinaya nina Rondina, Gervacio

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kakulangan sa international expe-rience ang dahilan kaya nabigo sina Sisi Rondina at Dzi Gervacio laban sa Japanese pair nina Shinako Tanaka at Sakuraku Fujii, 13-21, 21-17, 11-15 sa quarterfinal round kahapon ng 2018 FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

Bagama’t bigo, ipinagmalaki nina Rondina at Gervacio ang kanilang naabot sa world class tournament na ginanap dito sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

Pagkatapos magwagi sa US team noong Biyernes, pinatalsik nina Sisi Rondina at Dzi Gervacio ang Canadian pair nina Megan Nagy at Caleigh Cruickshank, 21-17, 21-17 sa Round of 12  para pumasok sa quarterfinal round kahapon ng umaga.

Ito na ang kanilang ikalawang panalo, ang una ay laban kina Lindsey Fuller at Kaley Melville ng US, 21-12, 21-16 sa Pool D eliminations noong Biyernes para pumasok sa Round of 12.

“From the beginning, ganoon  talaga ‘yung mindset namin, siyempre ayaw din namin mapahiya ‘yung bandera natin, siyempre bigay-todo kami.  Hindi man siya kailangan, pero sa sarili namin kinakailangan para siyempre worth it naman ‘yung pagpunta nila at paggising nila nang maaga.  Siyempre sa sarili din namin magiging worth it din ‘yung mga pagod namin,” sabi ni Rondina.

Si Rondina ay three-time UAAP beach volleyball champion at mi-yembro ng national team na umabot sa quarterfinal round sa 29th Southeast Asian Games beach volleyball tournament sa Singapore noong nakaraang taon.

Sa kanilang magandang ball placements, umangat agad sina Rondina at Gervacio, 9-3 bago nakatabla aang Canadian tandem sa 14-14. Ngunit sa kanilang 6-2 rally nakuha nila ang unang set.

Nakauna sa ikalawang set, 11-10 ang mga Pinay pero humataw na naman ng 8-3 rally ang mga Canadians para agawin ang bentahe sa 18-14, tungo sa panalo sa loob ng 32 minuto.

GERVACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with