^

PM Sports

Isaac inilaglag ng Blackwater Elite

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na masaya ang mga players ng Blackwa­ter sa sistema ni head coach Leo Isaac.

Nagdesisyon kahapon ang Elite management na palitan si Isaac at hirangin si Bong Ramos, nagmula sa isang coaching stint sa Indonesia, bilang bagong mentor ng koponan.

Gagawin ni Ramos ang kanyang coaching de­but para sa Blackwater sa pagsagupa sa Globalport bukas ng alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipo­lo City.

Gigiyahan ni Ramos si­na import Jarrid Famous, Poy Erram, Mac Be­lo at Allein Maliksi.

Nasa 0-3 panimula ang Blackwater sa mid-sea­son conference matapos matalo sa Columbian Dyip (98-126), Phoenix (102-107) at Alaska (74-93).

May 29-88 record ang Elite sa ilalim ng pamumuno ni Isaac sa apat niyang seasons bilang bench tactician.

Samantala, itatampok sa three-point shootout ang paglahok nina Sen. Manny Pacquiao at Special Assistant to the President Bong Go sa kickoff leg ng 2018 PBA All-Star Week.

Makakasama nina Pac­­quiao, dating pla­ying-coach ng Columbian Dyip, at Go si Presidential son-in-law at lawyer Mans Carpio sa contest na gagawin sa first phase ng mid-season spectacle sa Mayo 23 sa Digos, Davao del Sur.

Makakatambal ng tatlong public officials sina PBA greats Allan Caidic at Kenneth Duremdes at Magnolia guard Peter June Simon.

LEO ISAAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with