Bagong Palaro records dumarami

Vigan City, Philippines – Da-lawang atleta mula sa Ca-labarzon ang nagtala ng panibagong record sa athletics habang dalawa rin ang nabura sa swimming kahapon sa pagpapatuloy ng  2018 Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Sports Complex dito.

Lumangoy si Julian Marien Villanueva ng Davao ng 9:45.40 sa se-condary girls 800m freestyle para burahin ang 8-taong record na 9:48.12 ni Erika Kristy Lukang ng Calabarzon noong 2010.

Ang swimmer ng host Ilocos Region na si Samantha Junace Corpuz ay nagtala rin ng 4:44.53 sa elementary girls 400-m freestyle upang lampasan ang dating 4:47.70 ni Thea Diane Canda ng Soccsksargen noong nakaraang Palaro sa San Jose, Antique.

Nakuha naman ni Jalil Sephraim Taguinod ng Cagayan Valley ang kanyang ikatlong ginto mula sa elementary boys 50-m backstroke (31.55).

Sa athletics, nagposte si Jessel Lumapas ng Calabarzon ng 56.28 segundos sa secondary girls 400-meter hurdles para burahin ang dating 57.33-sec ni Jenny Rose Rosales ng Southern Tagalog noong 2011.

Ang ikalawang ba-gong record ay naitala ni Eliza Cuyom ng Calabarzon din sa secondary girls 100-m hurdles sa oras na 14.50-sec na nagbura sa mahigit 22 taong record na 14.9-sec ni Michelle Patasha ng Western Mindanao noong 1996.

Sa  gymnastics, hindi rin nagpahuli si Gail Santos ng Central Luzon  sa pagsungkit ng apat na gintong medalya sa elementary women’s artistic gymnastics. Nakuha ni Santos ang ginto sa all around event, floor exercise, single bar at vault event. Humakot din ng apat na ginto si Phoebe Nicole Amistoso ng Central Visayas mula sa 50-m, 40-m, 30-m at single Fita ng secondary girls archery habang si Jared Cole Sua ng host Ilocos Region ay may 3-gold.

 

Show comments