Le Tour de Filipinas sisikad sa May 20-23
MANILA, Philippines – Anim na tropa mula sa Pilipinas ang makikipag-sabayan sa 10 foreign teams na aarangkada sa 9th Le Tour de Filipinas na lalarga sa Mayo 20 hanggang 23 mula Quezon City hanggang Baguio City.
Pangungunahan nina 2014 Le Tour de Filipinas champion Mark Gaeldo ng 7-Eleven RoadBike Philippines at Philippine Navy-Standard Insurance bets Ronald Oranza at national road champion Jan Paul Morales ang kampan-ya ng Pinoy riders.
Hahataw din ang Bike Xtreme PH, Go for Gold, CCN Superteam at Philippine National Team sa torneong binigyan ng International Cycling Union (UCI) ng basbas bilang category 2.2 event.
Babanderahan naman ni 2017 runner-up Daniel Whitehouse ng Thailand-based Interpro Cycling Academy team ang listahan ng mga fo-reign cyclists kasama ang mga pambato ng Pishgaman (Iran), Brisbane Continental Cycling Team at Oliver’s Real Food Racing (Australia), Nice Devo (Mongolia), Interpro Cycling Aca-demy (Thailand), Korail Cycling (South Korea), Team Sapura Cycling at Terengganu Cycling (Malaysia), Ningxia Sports Lottery Livall (China) at KFC Cycling (Indonesia).
Sisikad ang Stage 1 sa Quezon City patungong Palayan City, Nueva Ecija (151.32 kms.) kasunod ang Stage 2 mula Cabanatuan City, Nueva Ecija hanggang Bayombong, Nueva Vizcaya (157.90 kms.) at Stage 3 mula Bambang, Nueva Vizcaya hanggang Dagupan City, Pangasinan (174.50 kms.).
- Latest