^

PM Sports

Rockets 2-0 na rin

Pang-masa
Rockets 2-0 na rin
Tumira si Chris Paul ng Houston sa harap ni Karl-Anthony Towns ng Minnesota.

Cleveland, Utah tumabla

HOUSTON — Kumamada ang Rockets ng 37 points sa second period patungo sa kanilang 2-0 lead sa first-round ng playoffs series laban sa Minnesota.

Nagtala si guard Chris Paul ng 27 points, 8 assists at 3 steals habang nagdagdag si Gerald Green ng 21 markers mula sa bench para sa 102-82 panalo ng Houston kontra sa Minnesota.

Humataw ang Rockets ng 37 points sa second quarter sa likod ng apat na three-point shots ni Green na tuluyan nang nagpaluhod sa Timberwolves.

Nalimitahan naman si Karl-Anthony Towns na may 5 points na kanyang ginawa sa first quarter para sa Minnesota.

Pinaupo ang All-Star big man sa bench sa huling pitong minuto ng third quarter at hindi na ibinalik sa laro habang tumipa si Jamal Crawford ng 16 points para sa eighth-seeded Timberwolves na nasa kanilang unang playoffs matapos noong 2004.

Sa Cleveland, humakot si LeBron James ng 46 points at 12 rebounds para akayin ang Cavaliers sa 100-97 panalo laban sa Indiana Pacers sa Game Two at itabla ang kanilang Eastern Conference first-round playoff series sa 1-1.

Si James ang umiskor ng unang 16 points at nagtala ng 29 markers sa halftime para ibangon ang Cleveland sa pagkatalo sa Indiana sa Game One.

Nagdagdag si Kevin Love ng 15 points para sa Cleveland bago naupo sa huling 3:43 minuto ng laro matapos magkaroon ng left hand injury.

Umiskor naman si Kyle Korver ng 12 points na lahat ay galing sa three-point line.

Binanderahan ni Victor Oladipo ang Indiana sa kanyang 22 points kasunod ang 18 markers ni Myles Turner sa panig ng Indiana.

Lalaruin ang Game Three sa Indianapolis sa Sabado (Manila time).

Sa Oklahoma City, humugot si rookie Donovan Mitchell ng 13 sa kanyang 28 points sa fourth quarter para pamunuan ang Utah Jazz sa 102-95 panalo laban sa Thunder at itabla sa 1-1 ang kanilang Western Conference playoff series.

Nagsalansan si Derrick Favors ng career playoff bests na 20 points at 16 rebounds para sa pagbangon ng Jazz, nakahugot kay Ricky Rubio ng 22 points, 9 assists at 7 rebounds sa kanyang first playoff win sa seven-year career niya.

Kumolekta si Russell Westbrook ng Oklahoma City sa kanyang 19 points, 13 assists at 9 rebounds habang nalimitahan si Paul George, tumipa ng 36 points sa Game 1, sa 18 markers buhat sa 6-for-21 shooting. Nagdagdag si Carmelo Anthony ng 17 points.

ROCKETS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with