^

PM Sports

Rockets lusot sa Wolves

Pang-masa
Rockets lusot sa Wolves
Tinangkang pigilan si James Harden ng Houston ni Gorgul Dieng ng Minnesota.

HOUSTON – Humataw si James Harden ng 44 points para pangu-nahan ang Rockets sa 104-101 paglusot sa Minnesota Timberwolves sa Game One ng kanilang first-round playoff series.

“We were struggling to make shots, struggling to really have any kind of rhythm and James put us on his back,” sabi ni Houston coach Mike D’Antoni. “He’s been doing it for a while now.”

Nakalapit ang Minnesota sa tatlong puntos sa huling 30 segundo.

Nagsalpak naman si Chris Paul ng dalawang free throws para muling ilayo ang Rockets bago kumonekta si Karl-Anthony Towns ng isang tip-in para ilapit ang Timberwolves.

Nabigo ang Minnesota na maipuwersa ang overtime dahil sa kapos na tira ni Jimmy Butler. “Came up short. “But I’d shoot it again if I had the opportunity,” aniya

Sa Cleveland, sa unang pagkakataon matapos ang 21 sunod niyang first-round games ay nakatikim si LeBron James ng talo.

Kumamada si Victor Oladipo ng 32 points at pinigilan ng Indiana Pa-cers ang paghahabol ng Cavaliers sa second half para sa kanilang 98-80 panalo sa Game One ng kanilang Eastern Conference series.

Ito ang unang kabiguan ni James at ng Cleveland sa opening round sa nakaraang walong taon.

Tumapos si James na may 24 points, 12 assists at 10 rebounds sa panig ng Cleveland para sa kanyang ika- 20 career triple-double.

Nagtala lamang sina starters Kevin Love, Jeff Green, Rodney Hood at George Hill ng pinagsamang 25 points.

Sa Oklahoma City, umiskor si Paul George ng 36 points para pamunuan ang Thunder sa 116-108 panalo laban sa Utah Jazz sa Game One ng kanilang Western Conference playoff series.

Nagtala si George ng Oklahoma City playoff record sa kanyang isinalpak na walong three-pointers.

JAMES HARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with