^

PM Sports

SMB-Alab pasok sa Finals

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng panibagong kampeon sa 2018 ASEAN Basketball League matapos tanggalan ng korona ng San Miguel-Alab Pilipinas ang nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions, 79-72 para ma-sweep ang best-of-three semifinal series, 2-0,  sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna noong Linggo ng gabi.

Sa unang pagkakataon mula noong 2013, isa na namang Filipino team sa pamamagitan SMB-Alab Pilipinas, ang pumasok sa finals.

Ngunit maghihintay pa sila ng makakalaban dahil maghaharap pa ang Mono Vampire Thailand at Chong Son Kungfu China sa Game Two ng kanilang sariling semis series bukas sa home court ng mga Thais.

Sa kanilang semis match, nagwagi ang Mono Vampire, 103-94 noong Abril 11 para sa 1-0 bentahe sa kanilang serye. Naitakas naman ng Alab Pilipinas ang 98-94 panalo sa Game One sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Ang huling Filipino team na pumasok sa finals ay ang San Miguel Beer sa pangunguna nina Asi Taulava at June Mar Fajardo noong 2013 kung saan winalis nila ang Indonesia Warriors.

Tuwang-tuwa na si coach Jimmy Alapag sa pagpasok nila sa best-of-five championship series dahil nalampasan na nila ang kanilang semifinal finish noong nakaraang taon kung saan winalis sila ng Singapore Slingers.

“I’m just thankful to have a great group of guys in my first head-coaching stint. These are guys with great character and work ethic, all of my players.  Then of course, you saw the impact of Justin Brownlee and Renaldo Balkman. We were dead last early in the season and they came in. That set us off. The whole environment of the team changed,” sabi ni Alapag.

Tinutukoy ni Alapag ang kanilang 1-4 umpisa sa season na ito nang sina Reggie Okosa at Ivan Johnson pa ang kanilang imports, ngunit nagbago ang direksyon ng koponan mula nang dumating sina Ginebra resident import Justinn Brownlee at ang dating Petron Blaze (San Miguel Beermen) import Renaldo Balkman.

 Umiskor si Brownlee ng 22 puntos na may kasamang 11 rebounds at apat na blocks habang si Balkman ay umani ng 21 puntos at 11 rebounds.

Ang reigning local MVP na si Bobby Ray Parks naman ay tumulong ng double-double performance sa kanyang 13 puntos at 13 rebounds at 11 puntos, walong rebounds at apat na assists naman mula kay Pao Javelona.

Tinapos din ni Fil-German Christian Standhardinger ang kanyang kampanya sa Hong Kong Lions sa kanyang 16 puntos at sampung rebounds kaya makakalaro na siya para sa San Miguel Beermen sa nalalapit na PBA Commissioner’s CUP.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with