MANILA, Philippines — Pansamantalang nagretiro si Man-ny Pacquiao noong Abril ng 2016 matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. via unanimous decision sa kanilang ‘tri-logy’ para tutukan ang kanyang Senatorial candidacy.
Sa kanyang comeback fight noong 2017 ay tinalo ni Pacquiao si Jessie Vargas para agawin ang World Boxing Organization welterweight belt sa Mexican.
Sinabi ni Argentinian world welterweight titlist Lucas Matthysse na siya ang tuluyan nang magpaparetiro sa Filipino world eight-division champion.
“Hopefully I can retire Manny Pacquiao, we are prepared for that, prepared to win,” sabi ni Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa laban nila ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Itataya ng 35-anyos na si Matthysse ang kanyang hawak na World Boxing Association welterweight belt laban sa 39-anyos na si Pacquiao.
Ang panalo kay Pacquiao ang posibleng magtakda sa rematch ni Matthysse laban kay Danny Garcia na tumalo sa Argentinian noong 2013.
“I know that winning opens the doors of heaven for the future, but now I’m only thinking about this fight. Either I lose everything or I gain everything, that’s the way it is. I am a world champion and he wants my belt; He chose me and I am the one who gives the OK to make the fight,” ani Matthysse.
Inangkin ni Matthysse ang bakanteng WBA title via eighth-round knockout win laban kay Teerachai Kratingdaeng Gym ng Thailand sa The Forum sa Inglewood, California noong Enero.
Huli namang lumaban si Pacquiao noong Hulyo ng 2017 kung saan siya natalo kay Jeff Horn via unanimous decision at naisuko ang suot na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.
Tinapik ni Pacquiao bilang chief trainer ang kanyang kababatang si Restituto “Buboy” Fernandez kasama si Raides “Nonoy” Neri.
Makikita naman sa corner ni Matthysse si Joel Diaz, dating trainer ni Bradley.
Related video: