Raptors nakauna
OAKLAND, California — Hindi naging problema para sa Golden State Warriors ang pag-upo ni All-Star at injured two-time MVP Stephen Curry.
Kumolekta si Kevin Durant ng 24 points, 8 rebounds at 7 assists para banderahan ang Warriors sa 113-92 panalo laban sa San Antonio Spurs sa Game One ng kanilang first-round playoff series.
Hindi na naglaro si Curry simula noong Marso 23 dahil sa sprained left knee.
Nanguna sina Durant, Draymond Green at Klay Thompson sa naturang panalo ng Warriors kontra sa Spurs.
Nagtala si Thompson ng 27 points mula sa 11-of-13 shots habang humakot si 7-footer JaVale McGee ng 15 points, 4 rebounds at 2 blocked shots.
“I noticed that Steph wasn’t there,” sabi ni San Antonio coach Gregg Popovich. “I watched real closely. I turned it off for a while ... turned it back on and he still wasn’t there. I noticed that. But after that I didn’t watch anything else, it was too scary.”
Pinangunahan ni Rudy Gay ang San Antonio mula sa kanyang 15 points at nalimitahan si leading scorer LaMarcus Aldridge sa 14 points buhat sa 5-for-12 shooting.
Nakatakda ang Game Two ng best-of-seven series sa Martes (Manila time) sa Oracle Arena.
Sa Toronto, humakot si Serge Ibaka ng 23 points at 12 rebounds at humugot si Delon Wright ng 11 sa kanyang 18 points sa fourth quarter para wakasan ang 10-game losing skid ng Raptors sa playoff series openers mula sa 114-106 paggupo sa Washington.
Huling natala ng pa-nalo ang Raptors sa opening game ng isang playoff series sa second round ay laban sa Philadelphia 76ers noon pang 2001.
Nag-ambag si DeMar DeRozan ng 17 points kasunod ang tig-12 markers nina C.J. Miles at OG Anunoby at 11 points ni Kyle Lowry para sa Toronto.
Humataw naman si John Wall ng 23 points at 15 assists para sa Wi-zards, nakakuha kay Markieff Morris ng 22 points at 11 rebounds.