F2 logistics pasok sa semis

MANILA, Philippines — Tinapos ng top seed F2 Logistics ang pag-asa ng No. 8 Smart Prepaid sa pamamagitan sa kanilang 25-18, 25-18, 27-25, panalo kahapon upang masungkit ang unang semifinal slot sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Gen. Trias Sports Center sa Cavite.

Nangangailangan lamang ng mahigit 80 minutes ang nagdepensang Cargo Movers para uusad na sa best-of-three semifinals kontra sa mananalo sa quarterfinal battle ng No. 4 seed Foton at No. 5 seed Sta. Lucia Lady Realtors.

“One thing now is the weather is hot. So just like me feeling the hot weather, I think that’s what also keeps Smart struggles. They (Smart) play smarter today,” sabi ni F2 Logistics import Maria Jose Perez, ang MVP noong nakaraang taon.

“They (Smart) never give up. But our spike is doing well. We have established connection with Kim (Fajardo)  and it’s agood condition,” dagdag ni Perez.

Tumapos ang 30-an-yos na si Perez na taga-Aragua, Venezuela ng 17 puntos kabilang na ang 15 atake at isang block para sa Cargo Movers na kanyang inangat sa kampeonato nakaraang taon.

Bukod kay Perez, tumulong din ng 15 atake at isang block ang 23-anyos na si Kennedy Bryan na taga Atlanta, Georgia USA para sa kanilang pang-sampung panalo sa season opening conference.

“We are making sure that we will win this game. I think everyone in the team wants to win. We are doing a great job,” ayon din kay Bryan.Habang sinusulat ang balitang ito, nagla-laban pa ang Petron at Cignal sa kanilang sari-ling quarterfinal match.

Habang sinusulat ang balitang ito, nagla-laban pa ang Petron at Cignal sa kanilang sari-ling quarterfinal match.

 

Show comments