Wala pang sigurado sa mga Batang Gilas
MANILA, Philippines — Bakante ang 12 spots sa Batang Gilas para sa paparating na 2018 International Basketball Federation (FIBA) World Under-17 Championship na gaganapin sa Argentina sa Hunyo.
Iyan ang nais na iparating ng coaches at team staff sa kanilang mga manlalaro upang kumayod pang lalo at paghirapan ang kanilang mga puwesto.
Kung pagbabatayan ang koponan sa chemistry, malamang ay ang 12 manlalaro pa rin na sumabak sa nakaraang 2018 FIBA Asia U16 Championships ang babandera para sa bayan ngunit wala umanong kasi-guraduhan sa ngayon lalo’t dalawang buwan mahigit pa bago ang naturang torneo.
“That’s the ideal scenario, but with 2 and a half months before the World Cup, madami pang puwedeng mangyari. I will tell the boys here they will still have to deserve their spot,” ani team official Josh Reyes sa isang panayam.
Sa pangunguna ni Kai Sotto ng Ateneo na na-ging bahagi ng prestihiyosong Mythical First Team, pumang-apat ang Batang Gilas sa likod ng kampeon na Australia, China at New Zealand, ayon sa pagkakasunod, FIBA Asia U-16 sa China upang makasikwat ng tiket sa FIBA U-17 World Cup.
Nakasama niya sina Raven Cortez at RC Calimag ng De La Salle-Zobel, Mac Guadana ng Lyceum of the Philippines University, Yukien Andrada San Beda, King Balaga at Jorick Bautista ng Far Eastern University, Rafael Go ng Xavier, Terrence Fortea ng National University, Forthsky Padrigao at Geo Chiu ng Ateneo.
Bagama’t puwedeng ang 12 na magigiting manlala-rong ito ang sumabak sa World Cup bunsod ng kanilang pag-qualify sa FIBA Asia, nais din nilang matuto ang mga ito na paghirapan ang anumang nais nilang makamit habang papasibol pa lamang sa karera ng basketball.
“Each and everyone, from 1 to 12, you have to deserve your spot on the team,” dagdag ni Reyes.
Sa mga susunod na linggo ay maglalabas ang Batang Gilas na posibleng 24-man pool na ginawa nila noong FIBA Asia kung saan kinuha nila ang final 12-players. Kung parehong sipag at tiyaga ang ipapakita ng mga ito, mapapanatili nila ang kanilang puwesto.
“A pool has to still be formed, but the ideal scenario is everyone will go to the World Cup. But you still have to deserve your spot,” diin ni Reyes. “A lot of things can happen, it’s hard to say anything for sure right now. But the one thing for certain is, each and everyone of these guys must deserve their spot.”
Makakasama ng ika-31 na ranggong Batang Gilas ang tatlo sa top 10 best youth nations sa mundo tulad ng ikapito at host na Argentina, Croatia (8th) at France (9th).
- Latest