Gold at silver pa sa Philippine Archers

MANILA, Philippines — Sa huling araw ng kumpetisyon, nakakuha pa ng isang gintong medalya at isang silver ang Philippine national team para sa kabuuang tatlong ginto at isang silver sa 2018 Asia Archery Cup Stage 2 kahapon sa Rizal Memorial Baseball field sa Malate, Manila.

Ang huling ratsada ng Pinoy Archers ay mula sa Compound Mixed Team event nina Paul Marton Dela Cruz at Amaya Paz-Cojuangco matapos manalo laban sa Taiwanese pair at top seed na sina Ming Ching Lin at Che Wei Lin, 151-147 sa cumulative scoring.

Matibay ang samahan nina Dela-Cruz at Paz-Cojuangco kaya nagwagi sa harap mismo ng pamil-ya ni Amaya.

Pagkatapos tumabla sa parehong 74-74 score, ipinakita ni Paz-Cojuangco ang kanyang dating porma habang si Dela Cruz ay nanatiling tiwala sa kakayahan para talunin ang dalawang Taiwanese.

Umaasa si Paz-Cojuangco na sana ay tuluy-tuloy na ang kanyang recovery upang makapaghanda na ng husto para sa 18th Asian Games sa Indonesia na gaganapin sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

Sa iba pang event, tumapos ng silver medal ang Philippine team sa Men’s Team event na kinabilangan nina Dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Joseph Vicencio makaraang matalo sa koponan ng Chinese-Taipei sa finals, 233-235.

Dahil sa kanilang silver medal finish, napantayan ng Team Philippines ang parehong tatlong ginto at isang silver na napanalunan ng Pinas sa Asia Cup noong 2015.

Ang dalawa pang gintong medalya ng 31- anyos na si De La Cruz ay mula sa Olympic round ng indivi-dual men’s compound event at sa individual men’s compound qualification noong Sabado.

Ang iba pang miyembro ng national team ay sina Kareel Hongitan, Nicole Tagle, Pia Bidaure and Ferimi Bajado (recurve women), Jennifer Chan, Andrea Robles at Rachell Dela Cruz (compound women). (FCagape)        

Show comments