Cagers, Patriots unahan sa Finals
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng No. 3 Muntinlupa Cagers at No. 7 Parañaque Patriots ang huling finals berth sa kanilang ‘do-or-die’ game sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup sa Muntinlupa City Sports Complex.
Tangan ang parehong 1-1 kartada sa best-of-three quarterfinal series, magtatagpong muli ang Cagers at Patriots ngayong alas-7 ng gabi.
Naitulak ng Muntinlupa ang rubber match nang kunin ang 66-56 panalo sa Game Two noong Sabado at makaganti sa kanilang 59-84 pagkatalo sa Game One noong Abril 5.
Ang mananalo sa Cagers at Patriots ang sasagupa sa No. 1 Batangas Athletics sa best-of-three title series kung saan ang magkakampeon ay tatanggap ng P1 milyon at 24-inch trophy mula kay MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.
Nakuha ng Batangas ang unang finals slot nang walisin ang Valenzuela Classics.
- Latest