^

PM Sports

Scorpions, Marinero nakatutok sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Armado ng ‘twice-to-beat’ advantage, ta­tang­ka­ing dispatsahin kaagad ng Centro Escolar Uni­ver­­sity at Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa pag­­sisimula ng quarterfinal round ng 2018 PBA De­velopmental League Aspirants’ Cup sa Pasig Sports Center sa Pasig City.

Nagtapos sa ikatlong puwesto sa eliminasyon, hindi na pahihiritin pa ng Scorpions ang Zark’s Burgers-Lyceum Jawbreakers ng ‘winner-take-all’ Game Two sa sagupaan nilang nakatakda ngayong alas-4 ng hapon para makaabante sa semifinals.

Ito rin ang hangarin ng No. 4 Revellers kontra sa No. 5 Gamboa-St. Clare sa alas-2.

Hawak ang liderato sa buong torneo, nahulog sa ikatlong puwesto ang CEU matapos ang krusyal na 87-89 kabiguan kontra sa Batangas-Emilio Aguinaldo College Generals sa dulo ng eliminasyon.

Kung nanalo sana sa labang iyon ay aabante kaagad sa semifinals ang Scorpions kasama ang Akari-Adamson, ngunit sa halip ay natisod sila kaya dadaan pa sa quarterfinals.

Sa kabutihang palad ay pinapaborang maka-abante pa rin sa semis ang CEU lalo’t may sasandalan silang 91-85 tagumpay kontra sa Jawbrea­kers noong eliminasyon.

Aasa si coach Yong Garcia kina Orlan Wamar, Judel Fuentes at Joseph Manlangit upang trangkuhan ang misyon ng Scorpions na inaasahang maglalaro na wala si Congolese import Rod Ebondo na kasalukuyan pang kwestiyunableng bumalik dahil sa natamong back injury.

Ngunit hindi basta-basta padadaig ang Jaw­brea­­kers na susubok humirit ng Game Two sa pa­mumuno ni NCAA Season 93 MVP CJ Perez ka­tuwang sina import Mike Nzeusseu, MJ Ayaay at si­na JC at JV Marcelino.

Samantala, kahit wala ang lider na si Michael Ca­lisaan bunga ng elbow injury ay kumpiyansa si coach Stevenson Tiu na malulusutan ng Revellers ang palabang Coffee Lovers lalo’t ginapi nila ito noong eliminasyon, 79-73.

Nagpalakas din ang Che’Lu papasok ng playoffs sa pagkuha kina JayR Taganas, Jeff Viernes at Cedrick Ablaza upang makasama nina Samboy De Leon, Alfred Batino at RK Ilagan sa pag-atake.

Tatangkain namang manilat ng Coffee Lovers upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa pamununo nina Aris Dionisio, Fil-Am Trevis Jackson at Malian big man Mohammad Pare.

Kung sinumang makakalusot sa quarterfinals ay lalabanan ang Akari-Adamson at Marinerong Pilipino sa semis.

Sinikwat ng Akari-Adamson at Marinerong Pi­lipino ang No. 1 at No. 2 berth, ayon sa pagkaka­sunod, sa pagtatapos ng eliminasyon mula sa pareho nilang 9-2 kartada.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with