Bernadeth hinirang na UAAP Player of the Week

MANILA, Philippines — Ayaw sayangin ni senior spiker Bernadeth Pons ng season host Far Eastern University ang kanyang huling playing year sa UAAP.

Nakita itong muli sa isa na namang all-around performance na ipinamalas niya para sumulong ang Lady Tamaraws sa Final Four ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament para mapili bilang UAAP Press Corps Player of the Week.

Tinalo ni Pons para sa weekly citation sina National University ace Jaja Santiago, University of the Philippine top hitter Tots Carlos, De La Salle University hitter Kim Kianna Dy at Ateneo de Manila University standout Kat Tolentino.

Nagposte ang FEU team captain ng average na 15.4 puntos, habang naramdaman din ang kanyang ambag sa depensa partikular sa floor defense.

Noong nakaraang Sabado sa five-set win ng  Lady Tamaraws kontra sa Adamson Lady Falcons ay nagtala si Pons ng triple-double sa kanyang tinapos na 22 points, 23 digs at 24 excellent receptions.

“Sobrang laking factor siya para ma-build talaga ‘yung confidence ng team,”  ani Pons.

Sa kartadang 8-4 ay may pag-asa pa ang Lady Tams para sa ‘twice-to-beat’ bonus sa Final Four.

“Ang target namin is ‘yung No. 2. Kailangang ma-straight namin ‘yung last two games para makuha namin ‘yung No. 2 spot,” ani Pons. FMLumba

Show comments