^

PM Sports

Jazz pumitas ng playoff seat

Pang-masa
Jazz pumitas ng playoff seat
Sinagasaan ni Jazz center Rudy Gobert si Lakers’ guard Josh Hart para sa kanyang slam dunk.

LOS ANGELES — Tu­­luyan nang inangkin ng Utah Jazz ang playoff ticket.

Ito ay matapos magposte si guard Donovan Mitchell ng 28 points, 9 rebounds at 8 assists pa­ra akayin ang Utah sa 112-97 panalo laban sa La­kers.

“As far as being nine games below .500, and dea­ling with a lot of ad­ver­sity and change. More than anything, I’m just real­ly proud of these guys,” sabi ni coach Quin Snyder. “What these guys did collectively to get better, I don’t want to di­minish what this group has accomplished.”

Ang Utah ang ikaapat na koponan na nakapagbulsa ng playoff berth sa Western Conference.

Lima pa ang nag-aa­gawan para sa huling apat na silya bago magtapos ang regular season bukas.

Ito ang ikalawang sunod na playoff stint ng Jazz bago pa man lumipat si star small forward Gordon Hayward sa Boston Celtics bilang free agent sa nakaraang offseason.

Binanderahan naman ni Josh Hart ang Los Angeles mu­la sa kanyang 25 points at kumolekta si Julius Randle ng 17 points at 7 rebounds.

Sa Phoenix, umiskor si Klay Thompson ng 22 sa kanyang 34 points sa first quarter at dinomina ng Golden State Warriors ang Suns, 117-100, sa ika-15 sunod nilang pag­kikita.

Dahil sa kabiguan at sa panalo ng Memphis Grizzlies laban sa Detroit Pistons ay tiyak na ang Phoenix sa pagkakaroon ng worst record sa NBA sa bitbit nilang 20-61 kar­tada.

UTAH JAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with