^

PM Sports

Allianz Conquer Challenge idaraos sa May 13

Pang-masa

MANILA, Philippines — Alinsunod sa hamon ng Allianz Insurance na “Conquer Your Impossible,” sila ay nakipagtambalan sa Conquer Challenge para sa pagdaraos ng tatlong obstacle challenge sa May 13 sa Vermosa sa Daang Hari Road sa Imus, Cavite.

Inilunsad kahapon sa tanggapan ng Allianz PNB Life Insurance sa Makati ang Allianz Conquer Challenge na may tatlong karera: ang Conquer Challenge Power na 7km +20 obstacle race, Conquer Challege Begginer’s Obstacle Race na 3KM +12 obstacle at Conquer Challege Kids na 1.5K + 7 obstacles kung saan sasamahan ang bata ng kanyang magulang sa karera.

“Allianz is the Leading Insurance Company in the world and as new copany here in the Philippines, we are proud to be the first to support OCR (Obstacle Challege Race) which has growing popularity,” ani Alexander Grenz, ang Chief Ope-rating Officer ng Allianz PNB Life.

Sinabi naman ni Conquer Challenge President Rob Afzeliuz  na saktong sakto ang kanilang partnership sa Allianz dahil sa iisang layunin na magbi-gay inspirasyon sa mga Pinoy na huwag isuko ang kanilang mga pangarap sa pag-conquer ng inaakala nilang imposible.

Ang registration ay hanggang May 6 sa mga piling GNC Live Well Branches sa Trinoma, SM Megamall, SM Aura Premier, Glorrieta 4, SM Mall of Asia at Alabang Center o sa www.goorahna.com.

Ang Registration fee ay @500 para sa Power Race, P2,000 sa Begginners at P2,000 sa Kids. (MB)

ALLIANZ INSURANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with