FIBA World 3x3 logo inilunsad
MANILA, Philippines — Magsalang ng mahusay at palabang koponan at punuin ang Philippine Arena sa Bucaue, Bulacan para sa record attendance.
Ito ang gustong mangyari ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagho-host ng FIBA 3x3 World Cup sa June 8-12.
Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio kahapon na sisiguraduhin nilang makuha ang mga top players para panoorin ang five-day competition.
“We will send our best players and hold it in the country’s biggest basketball arena with hopes of giving a lot of basketball-loving fans a chance to watch the games live,” sabi ni Panlilio sa paglulunsad ng event sa BGC Activity Center sa Taguig kahapon.
Nasa launching din ang FIBA Marketing director na si Alex Sanchez ng Spain, Senators Sonny Angara na siya ring SBP chair at Joel Villanueva, Taguig Rep. Pia Cayetano, SBP executive director Sonny Barrios, Smart Sports at Christopher Quimpo ng MVP Sports Foundation at Chooks to Go’s Ro-nald Mascariñas.
Ngayon pa lang, sinabi ni Panlilio na may mga mahuhusay nang PBA players ang nagpaabot ng kanilang intensiyong makapaglaro para sa bansa sa naturang event na kinabibilangan din ni Terrence Romeo ng GlobalPort, Calvin Abueva ng Alaska at Troy Rosario ng TNT na nakalaro na rin sa FIBA 3x3 competitions.
“There are already players, 20 of them, have shown interest and we just have to work with the coaches,” sabi ni Panlilio.
- Latest