Ang pagbabalik ni Viloria

MANILA, Philippines — Matapos ang halos tatlong taon mula nang matalo kay Nicaraguan superstar Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ay muling lalaban si Fil-American Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria para sa world boxing crown.

Sasagupain ni Viloria si Artem Dalakian ng Ukraine para sa bakanteng World Boxing Association flyweight belt sa Pebrero 24 bilang bahagi ng ‘Superfly 2’ card ng HBO sa The Forum sa Inglewood, California.

Hangad ng four-time world champion ang kanyang pang-limang korona.

“I’ve worked very hard to earn this shot for a fifth world title and I’m not going to let it slip away,” sabi ng 37-anyos na si Viloria. “I won my first world title in Los Angeles 2005 and I couldn’t be more excited to be back home to fight for the WBA flyweight world championship in front of my friends, family and supportive fans.”

Si Viloria ay dating unified WBA at WBO flyweight champion at naghari sa WBC at IBF light flyweight division.

Matapos ang ninth-round TKO loss kay Gonzalez para sa WBC flyweight title noong Oktubre 17, 2015 ay 17 buwan na nagpahinga si Viloria bago nagtala ng dalawang sunod na panalo sa kanyang pagbabalik sa aksyon.

Tinalo ni Viloria si Mexican Ruben Montoya via 10-round unanimous decision noong Marso 2 bago pinatumba si American Miguel Cartagena sa fifth round noong Setyembre 9 sa ‘Superfly 1’ card.

Show comments