Jaypee Mendoza kinuha ng Phoenix

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda kay four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel ay kinuha ng Phoenix si slotman Jaypee Mendoza.

Para madakma ang 6-foot-6 na si Mendoza mula sa Alaska Aces ay ibinigay ng Fuel Masters, gagabayan ni bagong head coach Louie Alas, ang kanilang 2019 second round draft pick.

Kaagad makakatapat ng San Miguel ang Phoenix sa pagsisimula ng 2018 PBA Philippine Cup bukas ng alas-6:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Muling ibabandera ng Fuel Masters si Gilas Pilipinas shooting guard Matthew Wright kasama sina veterans RJ Jazul, Jeff Chan at JC Intal.

Sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft ay kinuha ng Phoenix si dating La Salle Green Archers power forward Jason Perkins.

Bukod pa ito sa paghugot kina dating Kia star guard LA Revilla at NAASCU standout Jonjon Gabriel.

“We made some minor trades for possible minor players from other teams but for us, they would give good quality minutes,” sabi ni alternate governor Raymond Zorilla.

“I think we’re all in agreement here that we’re not just sitting idle. We’re not sitting to lose. We’re aiming to win. We made a build-up after the season,” dagdag pa nito.

Sa ikalawang playdate ng 2018 PBA Philippine Cup sa Disyembre 20 ay magtutuos ang Kia at NLEX sa alas-4:15 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Magnolia at Alaska sa alas-7 ng gabi sa San Juan Arena.

Show comments