My schedule na ang Pba Season 43

MANILA, Philippines — Opisyal nang inilabas kamakalawa ng Philippine Basketball Association ang iskedyul para sa unang anim na playing dates ng 2018 PBA Phi-lippine Cup na idedepensa ng San Miguel sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Sa pagbubukas ng 43rd season ng PBA sa Disyembre 17 ay lalabanan ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters para sa nag-iisang laro sa alas-6:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Muling ipaparada ng San Miguel sina four-time PBA Most Valua-ble Player June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Chris Ross at Marcio Lassiter, habang gagawin ni Louie Alas ang kanyang debut bilang bagong coach ng Phoenix kapalit ni Ariel Vanguardia.

Sa Disyembre 20 ay magtatagpo ang NLEX, itatampok si rookie Kie-fer Ravena at Kia Picanto sa alas-4:15 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Magnolia (dating Star) at Alaska sa alas-7 ng gabi sa San Juan Arena.

Sa ikatlong playdate sa Disyembre 22 ay magtutuos ang Blackwater at Meralco sa alas-4:15 ng hapon na susundan ng bakbakan ng TNT Katropa at Rain or Shine duel sa alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Magbabalik ang PBA sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Araw ng Pasko para sa salpukan ng Barangay Ginebra at Magnolia sa alas-5:15 ng hapon matapos ang laro ng NLEX at Globalport sa alas-3.

Maghaharap sa Dis-yembre 27 ang Phoenix at Kia sa alas-4:15 ng hapon kasunod ang laban ng San Miguel at Meralco sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naglabas ng schedule ang PBA bagama’t hindi pa pormal na nareresolbahan ang isyu sa pagitan ng majority bloc, binubuo ng TNT Katropa, NLEX, Meralco, Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater laban sa kabilang grupo na binubuo naman ng mga koponan ng San Miguel Corporation.

Samantala, tinalo ng Batang Pier ang Hotshots, 83-80 sa kanilang tune-up game kahapon sa Claret School sa Quezon City.

Nagtala si Fil-Am guard Stanley Pringle ng 18 points, 10 assists, 5 rebounds at 2 steals para sa Globalport na ginabayan uli ni coach Pido Jarencio.

Nagdagdag si Ryan Araña ng 16 points, 3 boards at 2 assists habang kumolekta si Kelly Nabong ng 14 points at 6 rebounds para sa Batang Pier, naglaro na wala si superstar guard Terrence Romeo.

Show comments