Philippines dragonboat team nagpasiklab sa Malaysia
MANILA, Philippines — Nagwagi at naging overall champion ang Phi-lippine Canoe Kayak Federation (PCKF) national Dragonboat team sa katatapos na Penang International Dragonboat Festival 2017 sa Teluk Bahang Dam sa Penang, Malaysia noong weekend (Dis-yembre 2-3).
Base sa resulta na ipinadala ni national coach Leonora Escollante, naging overall champion ang ipinadalang koponan ng bansa sa 200 meters at 500 meters events sa international junior under 24 open category.
Maliban dito, nagkampeon din sila sa Open mixed standard boat category sa dalawang nabanggit na events.
Nakatunggali ng mga Pinoy sa taunang kompetisyon ang mga koponan mula sa Australia, China, Iran, South Korea at Hong Kong.
Kabilang din sa mga lumahok sa nasabing karera na sanctioned ng International Canoe Ka-yak Federation ang mga Southeast Asian teams na kinabibilangan ng Singapore, Brunei Darussalam, Thailand at host Malaysia na may kabuuang 24 na teams. FML
- Latest