Generika Life Savers iniangat ni Pilepic
MANILA, Philippines — Nag-init si Katarina Pilepic sa final stretch ng third canto upang giyahan ang Generika-Ayala sa straight-sets win kontra sa Victoria Sports-UST, 25-16, 25-19, 25-23, sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Hindi napigilan ang matitinding spikes ni Pilepic sa deciding set upang magapi ang Tigresses sa loob ng 75-minuto.
Dahil sa panalo, umangat ang Lifesavers sa 3-4 panalo-talo.
“Our goal is to aim high,” pahayag ni Generika-Ayala coach Francis Vicente, na nakatakdang makatapat makasagupa sa huli nilang laro sa elimination round ang Sta. Lucia Realty.
“Whatever the result will be, our goal is to aim high. We will just prepare whoever will be our opponent in the quarterfinals.”
Nagtala ang Croatian import ng 18 kills, 2 blocks at 2 ring aces upang pamunuan ang panalo ng Lifesavers kasunod si Chloe Cortez na nagtala ng 9 na puntos.
.“I don’t want our locals to lean more on our imports,” dagdag ni Vicente. “I told them to just keep their focus and play their game.”
Matapos magdomina sa unang dalawang sets, nalagay pa sa alanganin ang Lifesavers sa third frame makaraang mag-init ang UST sa attack zone.
Ngunit binasag ni Pilepic ang huling pagkakatabla ng iskor sa 23-all sa pamamagitan ng isang down the line kill bago sinelyuhan ng regalong puntos mula kay Dimdim Pacres sanhi ng attack error ang panalo.
“UST is impro-ving every game,” ani Vicente.“Their reception was superb. This team will go far in the UAAP.”
Pinangunahan ni Pa-cers Pacres ang Tigresses na nanatiling winless matapos ang limang laro sa kanyang itinalang 10-puntos.
Kasalukuyan pang nag-lalaban ang F2 Logistics at Cignal habang sinusulat ang balitang ito sa second game kagabi. FML
- Latest