^

PM Sports

LeBron pinagpapahinga ng Cavs

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw isapalaran ng  Cleveland Cavaliers sa kanilang star player na si LeBron James sa kasalukuyang  NBA preseason.

Dahil dito, nagdesisyon silang hindi uli paglaruin si James sa kanilang laban kontra  sa Indiana Pacers nitong Biyernes.

Matapos magka-injury sa left ankle sa kanilang practice noong nakaraang Linggo, hindi lumaro si James sa preseason ope-ning noong October 4.

Hindi rin siya isasalang sa laban kontra sa Pacers bilang pag-iingat bagama’t nakibahagi siya sa practice noong Huwebes.

Hindi rin lumaro sina  Iman Shumpert (left foot sprain), Cedi Osman (back spasms), and Isaiah Thomas (right hip) are out tonight, too.

Sa iba pang balita, itinalaga naman ng Orlando Magic si perennial NBA All-Star at Naismith Basketball Hall-of-Famer Tracy McGrady bilang special assistant to the CEO.

Si McGrady ay magiging available sa organization kung kailangan sa iba’t ibang kapasidad. Siya ay on call para sa anumang pangangailangan ng mga  players at coaches sa loob at labas ng court, tutulong sa executive team at sa promotion, marketing at community relations activities para sa Lakeland Magic ng NBA G League.

“Having Tracy McGrady, a perennial All-Star and a Hall-of-Famer, on our staff is tremendous for our entire organization,” sabi ni Orlando Magic CEO Alex Martins. “Whether it will be on the court with the team or in the Central Florida community, Tracy’s knowledge, experience and stature will be an incredible asset for our players and our organization. We are extremely excited to bring him back home.”

“I am thrilled to be back where I truly made a name for myself – with the Orlando Magic,” sabi naman ni McGrady. “

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with