Goalball team hangad ang ginto sa Para Games
KUALA LUMPUR— Sisimulan nga-yon ng Philippine diffe-rently abled team ang kanilang kampanya sa pagsabak sa goalball sa 9th ASEAN Para Games dito sa Malaysian International Trade and Exhibition Centre.
Sinabi ni goalball head coach Freddie Estacion na wala silang ibang hangad kundi ang makuha ang gold medal sa three-aside sport para sa blind athletes.
“We want to reach for the sky and win the gold medal here,” sabi ni Estacion.
Nag-uwi ang tropa ng bronze medal noong 2005 edition na pinamahalaan ng bansa.
Sina Jomer Anden, Lemuel Garcia at Jolan Camacho ang mangu-nguna para sa goalball squad katuwang sina James dela Cerna, Jefferson Balenton at Jeff Fernando.
Ang nagdedepensang Thailand at host Malaysia ang inaasa-hang magiging paborito sa event na lalahukan ng pitong nasyon.
Opisyal na bubuksan ang biennial event, lalahukan ng 3,300 athletes, coaches at offi-cials, ngayong gabi sa main hub na Bukit Jalil National Stadium kung saan ipaparada ng 11 member countries ang kanilang mga mahuhusay na para atheletes.
Kabuuang 368 gold medals ang itataya sa 16 sports disciplines kabilang ang 133 sa athletics at 84 sa swimming competition.
Ang iba pang gintong paglalabanan ay sa archery (6), badminton (14), boccia (7), chess (24), para cycling (26), football (2), goalball (2), powerlifting (19), tenpin bowling (18), table tennis (27), volleyball (1), wheelchair basketball (2) at wheelchair tennis (3).
Target ng Pilipinas na makakolekta ng 27 gold medals na maaa-ring magmula sa athle-tics, swimming at chess.
Samantala, pitong gintong medalya ang pi-nupuntirya ni track and field coach Joel Denada makaraang kumuha ng lima noong 2015 edition sa Singapore.
Hangad ni Jerold Mangliwan na kundi man maduplika ay ma-lampasan ang kanyang two-gold effort noong 2015 sa 100-meter at 200-meter sa T52 division.
- Latest