^

PM Sports

SEAG athletes kinausap ni Ramirez

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Simpleng meryendang pizza ang ipinakain ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa ilan sa mga dumating na national athletes kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

“Pizza lang ang maibibigay namin sa inyo but it will be a little motivation para sa inyong mga atleta,” pagbibiro ni Ramirez sa mga national athletes na sumabak sa katatapos na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngunit sa Setyembre 13 sa Malacañang ay personal na ipapamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga cash incentives ng PSC para sa mga atletang nag-uwi ng ginto, pilak at tansong medalya mula sa Kuala Lumpur SEA Games.

Sinabi ni Ramirez na hindi mahalaga para kay Presidente Duterte kung nakakolekta lamang ang Philippine delegation ng kabuuang 24 golds, 33 silver at 44 bronze medals para tumapos sa sixth place.

Sa ilalim ng revised Republic Act 9064, ang mga SEA Games medalists na nakakuha ng gold medal ay bibigyan ng P300,000, habang P150,000 at P60,000 naman para sa huhugot ng silver at bronze medal.

Si Fil-Am Trent Anthony Beram ng track and field ang tanging Filipino double-gold medalist sa 2017 SEA Games at tatanggap ng cash incentives na P600,000 bukod pa ang parte niya sa men’s 4x100m relay na tumangay ng silver medal.

Itinakbo ni Beram ang kanyang dala-wang gintong medalya sa men’s 200m at 400m races.

Sa harap nina Philippine Olympic Committee chairman Tom Carrasco ng triathlon at POC first vice president Joey Romasanta ay nanawagan si Ramirez ng pagkakaisa sa hanay ng mga sports leaders.

“There has to be honesty and sincerity among ourselves about the direction that we will be taking,” sabi ni Ramirez. “Hindi puwedeng kayo-kayo lang, kami-kami lang. Dapat tayo-tayo.”

Nakatakdang makipag-usap si Ramirez sa POC at sa mga National Sports Associations bilang paghahanda para sa pamamahala ng bansa sa 30th SEA Games sa 2019.

“Sa 2019 SEA Games, kahit may problema I’m sure tayo pa rin ang magtsa-champion. Ganoon naman talaga kapag ikaw ang host, malaki ang chance na ikaw ang mag-champion,” ani Ramirez.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with