Pacquiao kay Horn: Dito na lang sa Pinas

MANILA, Philippines - Magpapadala ng imbitasyon si Manny Pacquiao kay Jeff Horn para pumunta sa Pilpinas para sa kanilang rematch bago matapos ang taon.

Sinabi ni Pacquiao sa Agence France Press na hindi niya uurungan ang ikalawang pagharap kay Horn at hindi siya takot taliwas sa sinabi ng Queensland Premier kamakalawa.

Ang inayawan ni Pacquiao ay ang pagdaraos ng rematch sa Brisbane kung saan siya natalo kay Horn noong Hulyo 2.

“It will not push through there in Australia,” wika ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, wala sa kanilang fight contract na tanging sa Australia lamang maaaring gawin ang kanilang rematch ni Horn.

Ito ang sinasabi ni chief promoter Bob Arum.

“But we are bringing the fight here in the Philippines,” ani Pacquiao, gustong gawin ang nasabing laban sa ilalim ng kanyang MP Promotions sakaling tapos na ang kanyang kontrata sa Top Rank ni Arum.

Ayon kay Pacquiao, ang kanyang unang laban kay Horn ay huli na niya sa Top Rank.

Gustong pumunta ni Arum sa Pilipinas para makausap si Pacquiao kaugnay sa kanyang kontrata. Dapat munang maayos ang naturang isyu bago pag-usapan ang rematch.

Sinasabi ng ilan na ayaw na ni Pacquiao na lumaban sa ilalim ng Top Rank.

Susubukan ni Pacquiao na kausapin si Horn para gawin ang rematch sa 55,000-seat Philippine Arena sa Disyembre.

“This will be good for our country’s tourism. We have a lot of friends supporting us, including our tourism department. The President is giving his all-out support,” wika ni Pacquiao.

Show comments