PSC Children’s Games dinala sa Iligan City
ILIGAN, Philippines - May 300 bata ang tinipon para maglaro sa Philippine Sports Commission’s Children’s Games sa Sgt. Miguel Canoy Memorial Central School nitong July 22-23 sa Iligan City.
Kinupkop ng tahimik na barangay ng Buru-un, 37 kilometers ang layo sa Marawi City, ang daang-daang pamil-ya na na-displace dahil sa nagaganap na kaguluhan.
Ang mga bata mula sa dalawang evacuation centers malapit sa naturang eskuwelahan ay nagkaroon ng dalawang araw na non-structured sports at paglalaro bukod pa sa character building sessions at la-rong pinoy.
Layunin ng event na ibsan ang masamang epekto ng nagaganap na krisis sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa mga kabataan.
Para pansamantalang makalimot ang mga “bakwit children” sa kasalukuyan nilang sitwasyon, dinala ang Children’s Games sa Iligan City ng PSC sa pahintulot ng Malacañang at suporta ng iba’t ibang government agencies.
Nagpadala ang Department of Health ng magician para aliwin ang mga bata kasama ang kanilang mga medical staff. Nagpadala rin ang Philippine National Police ng isang team para sa seguridad ng grupo.
Sa maikling mensahe ni PSC Commissioner Charles Raymond Ma-xey bilang kinatawan ni PSC Chairman William Ramirez, sa opening ceremony, sinabi niyang “this day is for you. Nandito ang PSC para sa inyo. Maglaro kayo at maging masaya. That is what PSC Chairman Ramirez wants to achieve in this activity.”
- Latest