BRISBANE, Australia – Sa kanyang training headquarters sa isang boxing gym na nasa loob ng palatial home ng kanyang trainer at manager, ipinagyabang ni Australian challenger Jeff Horn na handa siyang agawin kay Manny Pacquiao ang suot nitong WBO welterweight crown.
Tanghali na nang dumating si Horn sa mansyon ni Glenn Rushton, isang investment adviser at multi-millionaire na siyang boxing trainer at manager ng Australian fighter.
Hinarap ng unbeaten challenger ang mga mi-yembro ng press at isa-isang sinagot ang mga katanungan sa kanya bago ipakita ang kanyang boxing skills sa isang maikling workout.
Ang unang tanong sa kanya ay “Are you nervous?”
“No. Fortunately, I’m not,” sagot naman ni Horn.
Sinabi ni Horn, isang dating school teacher at veteran ng 2012 London Olympics na ibinuhos na niya ang lahat sa kanilang training camp.
“The prep is basically finished now. I’m just sharpening the tools and making sure I don’t over-train. I think we can get the job done,” wika ni Horn.
Sa kanyang paghaha-mon kay Pacquiao ay tatanggap si Horn ng malaking premyo kumpara sa mga nauna niyang kinita.
Ngunit hindi ito mahalaga para kay Horn.
“If I become world champion on Sunday it will fulfill all my dreams and I will become a happy man,” ani Horn.
Gustong gayahin ni Horn ang knockout win na ginawa ni Juan Manuel Marquez kay Pacquiao noong 2012 sa Las Vegas.
“The Juan Manuel Marquez is probably our main point. It’s something that we looked at a lot and to land the same big overhand right that Marquez landed is definitely what we’ll be looking for,” ani Horn.
Subalit mas madali itong sabihin kesa gawin.
Matapos makipag-usap sa mga reporters ay nagpapawis si Horn sa skipping ropes, umakyat sa ring para sa isang sha-dow-boxing kasunod ang pagsuntok sa mitts kasama ang kanyang trainer.
Sa loob ng gym ay may mga fight posters ni Pacquiao.
“We have them here so I always see Pacquiao,” sabi ni Horn sa fight posters ni Pacquiao kina Brandon Rios, Chris Algieri, Floyd Mayweather Jr., Timothy Bradley at Jessie Vargas.
Ayon kay Horn, ito na ang pinakamatinding pagsasanay na ginawa niya para sa isang laban.
“I trained the hardest I have for this fight. To finally get to the ring and show you what I’ve done is what I want to do at this stage. I’m finished with the hard work and I want to show it inside the ring,” sabi ni Horn.