Sixers ang pipili ng No.1 draft Pick

Ang top NBA draft prospect na si Markelle Fultz mula sa University of Washington .

Nakipag-trade sa Boston

MANILA, Philippines -  Nagkasundo ang Philadelphia at ang Boston sa isang trade kung saan makukuha ng 76ers si Markelle Fultz with the No. 1 pick para sa 2017 NBA Draft na nakatakda sa Huwebes.

Bilang kapalit ay makukuha naman ng Celtics ang No. 3 pick kasama ang karagdagang first-rounder sa 2018 o 2019 draft, ayon sa isang source.

Ang naturang trade ay hindi pa naaaprubahan ng NBA.

Noong Sabado ng gabi ay nakipag-ensayo si Fultz sa Philadelphia.

Sakaling tuluyan nang aprubahan ng PBA ang nasabing trade ay muling mapapasakamay ng 76ers ang No. 1 selection para sa ikalawang sunod na season.

Sa kanyang pagdating sa practice facility ng 76ers para sa isang workout at pakikipag-usap sa mga team officials ay nakasuot na si Fultz ng isang Philadelphia cap.

“I don’t really pay attention to everything that’s going on,” sabi ni Fultz. “I’m truly blessed to be in this position. Whatever happens, I’m looking forward to taking my talents to wherever I go.”

Kung wala nang magiging pagbabago-bago ang araw ng Huwebes ay kukunin ng Philadelphia ang No. 1 overall pick kasunod ang Los Angeles Lakers (No. 2), Boston (No. 3) at Phoenix (No. 4).

Naging mabilis ang pagsikat ni Fultz mula sa kanyang paglalaro ng junior varsity basketball sa high school noong 2014.

Halos wala pang tatlong taon ay tiniyak nang siya ang magiging No. 1 pick sa 2017 NBA draft.

“It would be pretty cool. Just being with a young team,” wika ni Fultz. “The upside of it would be crazy. I’m close to home, so a lot of my family can come out and just show love. This city has great fans.”

Nagposte ang 6-foot-4 guard ng mga averages na 23.2 points, 5.7 rebounds at 5.9 assists sa 25 games sa kanyang nag-iisang college season sa Washington.

Pinangunahan ni Fultz ang Pac-12 sa scoring at tumapos bilang No. 6 sa lahat ng Division I players at naging top freshman scorer sa nasabing torneo.

Sa nakaraang 10 seasons, dalawang freshmen lamang ang nagtala ng magandang scoring average sa college basketball.

Ito ay sina Kevin Durant para sa Texas noong 2006-07 at Michael Beasley para sa Kansas State noong 2007-08.

Sina Durant at Beasley ay parehong No. 2 draft picks.

“I’ll do whatever it takes to help any team I go to win,” pangako ni Fultz.

Nakamit ng Philadelphia ang No. 1 draft spot noong 1973 (Doug Collins), 1996 (Allen Iverson) at 2016 (Ben Simmons).

Show comments