Fultz sa Boston?

EL SEGUNDO, California – Gusto ni Markelle Fultz na ma-ging unang player na pipiliin sa 2017 NBA draft sa susunod na linggo ng Boston Celtics o ng sinumang koponang hihirang sa No. 1 pick.

Kung hindi ito mangyari ay handa rin siyang maglaro para sa Los Ange-les Lakers bilang No. 2 overall selection.

Sumabak si Fultz sa isang oras na private workout para sa Lakers noong Huwebes bago nakipag-usap sa mga opisyales ng koponan sa kanilang training complex.

Inaasahang hihira-ngin ang Maryland-born University of Washington product bilang top pick, ngunit regular siyang nakikipag-usap sa Lakers sapul nang simulan ang draft combine.

“It was a family decision,” wika ni Fultz sa kagustuhan niyang maglaro para sa Los Angeles. “Giving everybody the opportunity. Never know where I might land, so I just wanted to see how it is out here.”

Nakipag-ensayo na din si Fultz sa Celtics at sinabing handa siyang ipakita ang iba pang aspeto ng kanyang laro.

“I’m blessed to play the game,” wika ni Fultz, nakasuot ng gray Lakers workout gear. “I’d like to go (No.) 1, but wherever I land is where I go.”

Ang talento ni Fultz ang naglagay sa kanya sa gitna sa pagitan ng dalawang iconic franchise sa NBA.

Wala siyang reklamo kung mapunta man siya sa Celtics o Lakers.

Kasama ang kanyang ina, agent at personal trainer, sumabak si Fultz sa ilang offensive drills, habang nanonood sa gilid sina Magic Johnson at Luke Walton.

 

Show comments