MANILA, Philippines - Maigting na depensa sa krusyal na bahagi ng laro ang Marinerong Pi-lipino para ungusan ang Cignal HD, 66-65, at maiposte ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Itinala ni John Ray Alabanza ang pito sa season-high na 9 blocks ng kanilang koponan, kabilang ang huling pagbutata niya kay Jason Perkins sa dapat sana’y game winner ng huli sa natitirang 1.9 segundo ng laro.
Nauwi sa wala ang huling tsansa na dapat ay magpapanalo sa Hawkeyes na kanilang naku-ha matapos maagaw ni Harold Arboleda ang bola mula sa inbound ni Dave Moralde sa 7.4 segundo ang nalalabi.
“Player ko na ‘yan si Alabanza sa San Beda and I knew his capabi-lity kaya ko siya kinuha.Nawala ako sa San Be-da, lumipat naman siya ng school, at least dito nagkasama ulit kami,” wika ni coach Koy Banal ng Skippers.
Napag-iwanan pa ng 11 puntos sa halftime ang Skippers, 32-43, bago nila naagaw ang bentahe, 56-53, sa hu-ling dalawang minuto ng third canto.
Nagtabla sa huling pagkakataon ang laro sa 62-62 matapos ang split ni Oping Sumali-nog sa kanyang free throws bago ito binasag ni Mark Isip ng isang medium range jump shot, 64-62, mahigit da-lawang minuto pa ang nalalabing oras sa fourth period.
Dumikit ang Cignal sa huling pagkakataon makaraan ang dalawang freethrows ni Reymar Jose, 65-66, sa nalala-bing 58 segundo sa laro.
Sa unang laban, nakamit ng Racal Motors ang ikalawang sunod ni-lang tagumpay matapos durugin ang baguhang Zarks’ Burger, 140-90.
Kasabay nito ay naitala ng Alibaba ang bagong record na hi-ghest winning score na lumagpas sa dating record nang talunin ng Tanduay ang Mindanao Aguilas na hawak din noon ng kasalukuyang Zarks’ coach na si Marvin Padrigao sa iskor na 133-78 noong Hulyo 17, 2016.
Pinamunuan ni Mark Tallo ang nasabing pa-nalo ng Racal mula sa kanyang kinolektang 26 points, 5 assists at 2 rebounds.
Samantala, naging ikatlong manlalaro na nagtala ng triple-double sa liga si Kent Salado na may 11 points, 13 assists at 11 rebounds kasunod nina Mike Tolomia na dalawang beses nakapaglista ng triple-double at Ray Parks Jr.
(FMLumba)